Rehabilitasyon ng Boracay patunay sa kahalagahan ng kalikasan – Palasyo

INQUIRER File Photo

Hindi dapat maisakripisyo ang kalikasan para lamang sa pag-ulad ng ekonomiya.

Ito ang iginiit ng Palasyo ng Malakanyang matapos ang paggunita sa Earth Day kahapon, April 22.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque isang magandang ‘wake up call’ sa lahat ang nangyari sa Boracay na hindi maisakripisyo ang kalikasan para lamang sa pag-unlad.

“This is a good wake-up call to everyone that we must not sacrifice the future ecological sustainability on the altar of economic growth and development,” ani Roque.

Ipinahayag ng Palasyo ang pakiiisa sa paggunita ng Earth Day at sinabing ang Earth Day ngayong taon ay mas nagpapaalala lamang sa nakatakdang muling pagsasaayos ng gobyerno sa Boracay at maibalik ito sa dating estado bilang isa sa mga pinakamagandang ‘beach’ sa buong mundo.

Matatandaang inilarawan ng pangulo ang Boracay bilang ‘cesspool’ dahil sa polusyon at problema nito sa sewerage system.

Nakatakdang isara ng gobyerno ang isla sa loob ng anim na buwan mula April 26 upang bigyang daan ang rehabilitasyon nito.

Read more...