Shia LaBeouf inaresto sa Austin

shia labeouf
Inquirer file photo

Arestado si Hollywood actor Shia LaBeouf dahil sa public intoxication sa Austin.

Sumikat si LaBeouf dahil sa pagiging bida sa blockbuster movie na Tranformers.

Inaresto ang bente nuebe anyos na artista sa labas ng isang bar matapos hindi pansinin ang pagsita ng mga pulis dahil sa jaywalking.

Bigla na lamang umanong nagwala si LaBeouf dahilan para ito arestuhin ng mga pulis.

Nabatid na noong Hunyo, inaresto na rin si LaBeouf matapos magwala sa isang broadway musical sa New York.

Bukod sa Transformers, naging bida rin si LaBeouf sa mga pelikulang Indiana Jones at Kingdom of the Crystal Skull.

Read more...