Zamboanga del Norte at Sultan Kudarat, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Zamboanga del Norte alas-4:37 ng hapon ng Linggo.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 48 kilometro Kanluran ng bayan ng Sibuco.

May lalim ang pagyanig na 34 kilometro.

Sa earthquake information advisory na inilabas ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.9 na lakas na lindol ngunit ibinaba sa magnitude 3.8 sa bagong advisory na inilabas alas-10:39 ng gabi.

Naitala sa naturang pagyanig ang Instrumental Instensity 1 sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.6 na lindol ang Sultan Kudarat alas-11:22 ng gabi ng Linggo.

Naitala ang episentro nito sa layong 48 kilometro Kanluran ng bayan ng Lebak.

May lalim naman itong isang kilometro.

Tectonic ang dahilan ng parehong pagyanig at hindi na inaasahan ang mga aftershocks at pagkasira sa ari-arian.

Read more...