Isang brgy. official sa Boracay, itinangging binebenta ang IDs sa mga empleyado sa isla
Mariing itinanggi ng isang barangay captain ang mga kumakalat na balitang humihingi ng pera mula sa business owners kapalit ng identification cards o IDs sa mga empleyado sa Boracay.
Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Barangay Captain Lilibeth Sacapano na kailangan lang iprisinta ng mga empleyado ang kanilang certificate of employment bilang patunay na nakapagtrabaho sila ng hindi bababa sa anim na buwan para makapag-apply ng ID.
Sa pag-aapply ng ID, mayroong kaukulang bayad kung saan aabot sa P200 para sa native residents, P250 sa non-native residents at P500 sa mga dayuhan.
Hinikayat naman ni Sacapano ang publiko na ipagbigay-alam sa mga otoridad ang pangalan ng mga opisyal na umano’y nangingikil.
Sa ngayon, sinabi ng isang business operator sa Inquirer na wala pang naiuulat na anumang insidente ng pagbebenta ng ID sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.