MRT3, may libreng sakay sa May 1

May libreng sakay sa mga manggagawa ang Metro Rail Transit o MRT-3 sa Araw ng Paggawa sa May 1.

Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, maaari lamang na magpresenta ng ID ang mga manggagawa mula sa public at private sectors.

Magsisimula aniya ang libreng sakay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang sa 7:00 ng gabi.

Ayon kay Bello, suportado ni MRT-3 General manager Rodolfo Garcia ang Araw ng Paggawa.

Bibigyan aniya ng magnetic card ang mga pasahero para makapasok sa MRT service gates at iiwan kung saang istasyon sila bababa.

Kasabay nito, ikinakasa rin ng DOLE ang sabay-sabay na 53 na “trabaho, negosyo, kabuhayan job and business fairs” sa buong bansa.

Tinatayang aabot sa 80,000 trabaho ang maaring aplayan.

Read more...