Mga sinirang papeles ng DOJ, hindi mahalaga – Guevarra
Nilinis ng bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si Menardo Guevarra ang pangalan ni dating kalihim na si Vitaliano Aguirre II sa pagsira sa ilang dokumento ng kagawaran.
Ayon kay Guevarra, batay sa kanilang paunang imbestigasyon, walang kinalaman si Aguirre sa pagpapa-shred sa mga dokumento.
Sinabi ng kalihim na tila ang mga tauhan ni Aguirre ang nagtapon ng mga papeles. Ito aniya ang dahilan kaya malinis ang opisina nang dumating siya.
Ayon kay Guevarra, sa ngayon, wala silang natagpuang mahalagang dokumento sa shredded papers o mga sinirang papeles, kundi mga balangkas, kopya at imbitasyon.
Aniya, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.
Inilunsad ni Guevarra ang imbestigasyon matapos lumabas sa social media ang mga sinirang dokumento matapos magbitiw si Aguirre.
Una nang itinanggi ng dating DOJ secretary na pinasira niya ang mga papeles sa kanyang opisina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.