Opisyal ng CAAP, sinibak sa pwesto dahil sa pangingikil

By Rohanisa Abbas April 22, 2018 - 05:50 PM

Sinibak sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa pagkakasangkot umano sa pangingikil, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kinilala ang opisyal na is CAAP Airowrthiness Inspector Colonel Rodolfo Moral.

Ayon sa DOTr, humihingi umano ng hindi tukoy na halaga si Moral sa isang religious group kapalit ang airworthiness certification. Humingi pa ng mas mataas na halaga ang opisyal sa grupo kaya isinumbong na nila ito sa pamunuan.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang CAAP at batay rito, ilang beses na ito ginawa ni Moral.

Agad na sinibak sa pwesto si Moral at posibleng maharap sa paglabag sa Corrupt Practices Act.

Ipinahayag ni CAAP Director General Captain Jim Sydiongco na nais niyang magsilbing babala ito sa mga tauhan ng CAAP na hindi nila kukunsintihin ang anumang katiwalian.

TAGS: CAAP, dotr, pangingikil, CAAP, dotr, pangingikil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.