CBCP, nanawagan ng tulong para sa preso ng Abuyog, Leyte

CBCP-iii-copy
Inquirer file photo

Humihingi ng tulong ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP para sa mga presong naapektuhan ng sunog sa isang kulungan sa Abuyog, Leyte.

Ayon kay Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP Espicopal Commission on Prison Pastoral Care, bukod sa sampung nasawing preso, aabot sa 1,200 iba ang apektado sa sunog.

Partikular na kinakailangan ngayon ng mga preso ang mga damit, pagkain, lutuan, banig at kumot.

Maaari aniyang ipadala ang tulong sa CBCP o sa Local Chapter sa Leyte.

Read more...