Reporter, patay habang naka-live broadcast sa Nicaragua

Credit: Google

Patay ang isang reporter matapos barilin habang naka live broadcast sa Nicaragua.

Kinilala ang biktima na si Angel Gahona.

Nabatid na nagre-report ng live si Gahona sa bayan ng Bluefields nang barilin sa ulo.

Ayon sa ulat, sa bayan ng Bluefields isinasagawa ang mga anti-government protest.

Tinatalakay ni Gahona sa kanyang report ang nasirang cash machine at naka-live pa sa Facebook.

Gayunman, hindi na natapos ni Gahona ang kanyang report nang barilin sa ulo.

Hindi pa matukoy kung sino ang responsible sa pamamaril sa reporter.

Read more...