Grupong tututok sa Brgy. & SK elections candidates, nakahanda na – Comelec
May isang team na sa Commission on Elections central office sa Intramuros, Manila ang nakatutok sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa may 14.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, ito ay para mabatid kung sino sa mga kakandidato ang madidiskwalipika dahil sa pagkakaroon ng mga kamag-anak sa mga incumbent officials.
Ayon kay Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkandidato sa Barangay at SK elections ang may kamag-anak na nasa second civil degree of consanguinity or affinity.
Sa ngayon, maari aniyang ilabas ng Comelec ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.