Bilang ng mga naghain ng COC sa Brgy. & SK elections, umabot sa higit 900,000
Pumalo na sa mahigit 300,000 kabataan ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Sangguniang Kabataan elections habang mahigit sa 600,000 naman ang naghain ng kandidatura sa Barangay elections na gaganapin sa May 14.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Commission on Elections spokesman James Jimenez na lagpas na ito sa available slots para sa SK at Barangay elections.
Sinabi pa ni Jimenez na kaya pinalawig pa ng Comelec ng isang araw ang filing ng COC para bigyan ang hiling ng National Youth Commission (NYC) matapos mabatid na nasa 39,000 na kabataan pa lamang ang naghain ng COC para sa SK elections.
April 14 nagsimula ang filing ng COC at natapos noong April 20 pero pinalawig pa ito ng Comelec ng isang araw ng hanggang 5:00 kahapon ng hapon, April 21.
Ayon kay Jimenez, maayos at maganda naman ang filing ng COC.
Dagdag ni Jimenez, noong April 18 ang bulto o pagbuhos ng mga naghain ng COC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.