‘Filipino Flash’ Nonito Donaire, bigong naiuwi ang WBO Featherweight Interim title

By Chona Yu April 22, 2018 - 03:14 PM

Inquirer file photo

Talo ang Pinoy boxer na si Nonito Donaire matapos ang unanimous decision para paboran ang Irishman na si Carl Frampton sa WBO Featherweight Interim title na ginanap sa SSE Arena sa Belftast, Northern Irleland.

Nabatid na puro 117-111 ang ibinigay na iskor ng tatlong judge para kay Frampton.

Nahirapan kasi si Donaire sa mga right hand na suntok ni Frampton.

Sa ikalawang round pa lamang, nagkaroon na ng cut o sugat si Donaire sa mata.

Gayunman, nakabawi si Donaire sa ika-pitong round matapos magpakawala ng mga uppercut dahilan para mahilo si Frampton.

Pero hindi pa rin ito naging sapat sa Pinoy boxer dahil sa mga sumunod na round, nagkaroon muli ito ng cut sa kanang mata.

Dahil dito, hawak na ni Donaire ang record na 38 na panalo at limang talo.

Mabibigyan naman ng pagkakataon si Frampton na makalaban si Mexican champion Oscar Valdez para sa full WBO featherweight crown.

TAGS: Irish boxer Carl Frampton, Nonito Donaire, WBO Featherweight Interim title, Irish boxer Carl Frampton, Nonito Donaire, WBO Featherweight Interim title

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.