Isang buntis patay, 9 sugatan matapos mahulog ang sinasakyang van sa isang bangin sa Quezon
Patay ang isang buntis habang sugatan naman ang siyam katao matapos mahulog ang sinasakyang van sa bangin sa Tagkawayan, Quezon province, 4:30 Linggo ng madaling-araw.
Batay sa ulat, sinabi ni CInsp. Dandy Aguilar, hepe ng Tagkawayan police, binabagtas ng Toyota Hi-Ace ang kahabaan ng Quirino Highway nang biglang mawalan ng preno ang driver na si alinor Lomondot.
Patungo sana ng Maynila ang naturang van.
Tumama ang van sa waiting shed sa Barangay San Francisco bago ito nahulog sa 40 talampakang bangin.
Agad namang isinugod ang mga sugatang pasahero sa Ma. Lourdes Eleazar Memorial Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ang isang buntis na kinilalang si Sagira Haji Ebrahim.
Sa ngayon, naka-confime pa ang sugatang driver kasama ang mga pasahero na sina Haji Ebrahin, Alnor Lomondot, Karen Galecia, Don Robert Galecia, Jericho Sablayan, Jonard Pusngan, Camadoleng Lomondot at isang alyas “Allan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.