Duterte, nagtakda ng 60-day time frame sa peace talks
Nagtakda ang Pangulong Rodrigo Duterte ng 60 araw na time frame para sa peace talks.
Ayon sa pangulo, gumawa siya ng small window para umuwi sa Pilipinas si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison para pag-usapan ang peace talks.
Si Sison ay naka-exile sa Netherlands simula pa noong 1980s.
Katwiran ng pangulo, si Sison ang kinakailangan na umuwi dahil Pilipinas ang kanilang pinag-aawayan.
Sasagutin na ng pangulo ang pamasahe pati na ang pagkain ni Sison.
Gayunman, hindi tinukoy ng pangulo kung kalian magsisimula ang kanyang 60 araw na window.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.