Sen. Santiago, hindi totoong kakandidatong pangulo
Pinabulaanan ng kampo ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na mag-aanunsiyo siya ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo bukas, araw ng Lunes sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.
Ayon kay Kim Arveen Patria, media relations officer ni Santiago, walang katotohanan ang kumakalat sa social media na may gagawing announcement ang senadora.
Matatandaang noong Miyerkules, nagpahiwatig si Santiago sa kanyang Facebook official account na ikinukunsidera niya ang sumabak sa pampanguluhang halalan.
Dalawang taon nang naka medical leave si Santiago dahil sa Stage 4 lung cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.