Endangered na brown bear, patay sa capture operation sa Italy
Patay sa isang capture operation sa Italy ang isang Marsican bear na itinuturing na bilang isang critically endangered subspecies ng mga brown bears.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng national park sa Central Italy ang pagkamatay ng brown bear na kinabitan ng radio collar upang mamonitor ang kanyang paggalaw.
Ayon sa Italian Media, hinuli ang oso sa pamamagitan ng isang tube trap bilang bahagi ng capture operation sa Abruzzo, Lazio at Molise nature reserve.
Gayunpaman, hindi ang naturang oso ang target ng operasyon kundi iba pang hayop.
Bagaman pinilit na mai-revive ang oso ay hindi na ito nabuhay matapos mahirapang huminga.
Inilarawan ng wildlife officials ang pagkawala ng naturang hayop bilang lubhang seryosong bagay.
Ayon sa World Wildlife Fund Italia, nasa 50 na lang ang bilang ng naturang specie at nahaharap na sa pagkaubos.
Nanawagan ang WWF ng isang review sa naging proseso ng paghuli.
Isang post-mortem examination ang isasagawa upang mabigyang linaw ang pagkamatay ng oso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.