Baguio City LGU, gagamit ng energy-saving technology at renewable energy

Mas paiigihin pa ng Baguio City ang pagmamahal sa kalikasan.

Ito ay matapos lumagda si Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa isang city ordinance na layong gumamit ang lungsod ng energy-saving technologies at renewable energy systems.

Lahat ng tanggapan at pasilidad ng lokal na pamahalaan ay pagagamitin ng LED light bulbs at renewable energy tulad ng solar, wind, hydro at geothermal.

Kabilang dito ang mga office buildings, paaaralan, mga ospital, barangay halls, day care centers, health centers, covered courts, streetlights, mga overpass, parke, treatment plants at iba pa.

Layon ng nasabing ordinansa na pababain ang konsumo ng lungsod sa kuryente at mapababa rin ang gastos ng lokal na pamahalaan.

Ang ordinansya ay alinsunod din sa Environment Code ng lungsod.

May probisyon na ang ordinansa para sa pondo na gagamitin sa pagpapalit ng mga ilaw gamit ang LED lights at pagsasaayos ng mga masisirang lighting fixtures sa panahon ng sakuna.

Read more...