Teaser ng Pinoy version ng pelikulang Miss Granny, inilabas na

Courtesy of Viva Entertainment

Inilabas na ang unang official teaser ng Pinoy adaptation ng pelikulang Miss Granny.

Pagbibidahan ito nina Sarah Geronimo at James Reid sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal sa ilalim ng Viva Entertainment.

Ang naturang pelikula na hinango sa Korean version na may kaparehong pamagat ay tungkol sa kwento ng isang matanda na nagngangalang Fely na ginampanan ni Nova Villa.

Si Fely ay isang matanda na nabigyan ng pagkakataong maging batang muli matapos bumisita sa isang misteryosong photo studio.

Sa ngayon umaabot na sa mahigit 250,000 ang views ng naturang pelikula at kasama sa trending videos ng Youtube.

Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa.

Read more...