Mga mangingisdang Pinoy pinag-iingat sa pagpasok sa teritoryo ng ibang bansa
Kinakailangang maturuan o mapaalalahanan ang mga Filipinong mangingisda kung hanggang saan lamang sila maaaring mangisda sa karagatang sakop ng bansa.
Yan ang pananaw ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Ipinahayag ni Go na ito ay para maiwasang maulit na madetine sa mga kalapit-bansa gaya ng Indonesia ang ilan sa ating mga kababayan.
Aniya, dapat ding maipaalam nang maigi sa mga may-ari ng bangkang pangisda ang territorial boundaries ng Pilipinas.
Sinabi ni Go na kadalasan kasi ay hindi alam ng mga mangingisda na pinapasok na nila ang teritoryo ng ibang bansa lalo na sa may bahagi ng mga pinag-aagawang isla sa Spratly’s.
Ilang Pinoy na mangingisda na rin daw ang inaresto dahil sa pagpasok sa katubigan ng Indonesia.
Ikinagalak naman ni Go na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para mapauwi ang mga mangingisdang nakulong sa Indonesia.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos niyang pangunahan ang pagsalubong sa 31 mangingisda sa Davao City na pinauwi mula Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.