Presyo ng petrolyo muling tatataas sa susunod na linggo

Nakaumang na naman ang panibagong oil price hike sa papasok na linggo base sa maagang anunsyo ng ilang oil industry insiders.

Sinabi ng source ng Radyo Inquirer na aabot sa P0.60 ang dagdag sa bawat litro ng diesel, aabot naman mula P0.30 hanggang P0.40 sa kada litro ang gasolina at P0.50 hanggang P0.60 naman sa bawat litro ng gaas o kerosene.

Epektibo ang nasabing dagdag-presyo sa araw ng Martes maliban na lamang kung may mauunang magtataas sa Lunes ng gabi.

Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ayon na rin sa kanilang impormasyon na ipinadala sa Department of Energy.

Ito na ang ika-apat na sunod na oil price hike mula noong nakalipas na Holy Week.

Read more...