2 drug personalities sa Gensan patay sa barilan

By Rohanisa Abbas April 21, 2018 - 06:56 PM

Patay ang dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang most wanted drug suspect sa General Santos City.

Sinabi ni General Santos City Chief of Police SSupt. Raul Supoter na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Sadat Suib sa Barangay Baluan dakong alas-2:30 ng umaga ng Biyernes.

Pero nanlaban umano si Suib na nauwi sa shoot-out hanggang sa napatay ang nasabing suspek.

Itinakbo sa ospital si Suib pero idineklara rin siyang dead-on-arrival.

Si Suib ang most wanted drug personality sa lungsod,at kabilang sa high-value targets sa rehiyon.

Narekober sa bahay ni Suib ang isang 9-mm sub-machine gun at walong sachet ng shabu.

Samantala, sinalakay rin ng mga otoridad ang bahay ni Abdullah Kallay alias Dulang sa Barangay Baluan pa rin.

Ayon kay Supt. Aldrin Gonzales ng Central Mindanao PNP, nanlaban si Kallay at pinaputukan ang mga pulis.

Nauwi rin sa barilan ang pag-aresto sa suspek kung saan siya ay tinamaan na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober naman sa bahay ni Kallay ang isang 12-gauge improvised shotgun, apat na basyo ng bala at limang sachet ng shabu.

TAGS: drug personality, General Santos City, PNP, shabu, drug personality, General Santos City, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.