Palalakasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga programa para sa voters’ education.
Batay kasi sa isinagawang simulation ng eleksyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan ay naobserbahan ng election officers na nalito ang ilang mga botante sa mga balita at proseso ng nalalapit na eleksyon.
Ayon kay Election Officer Anna Abella, makikita ang kalituhan sa mga botante para sa halalan ng Barangay at SK.
Ang mga edad 18 hanggang 30 ay boboto para sa Barangay at SK, habang ang edad 17 pababa ay para sa SK lamang.
Ani Abella, bagaman nakapaskil na ang impormasyon, nalilito pa rin ang botante.
Sa ginawang mock election sa Tondo sa Maynila ay mayroong mga naglalagay pa rin ng balota para sa Barangay doon sa balota para sa SK.
Ipinaliwanag ng opisyal na hindi bibilangin ang boto sa mga balotang mali ang pinaglagyan.
Bunsod nito ay sinabi ni acting Comelec Chairperson Al Parreño, palalakasin nila ang voters’ education and training para maiwasan ang mga katulad na pagkakamali sa halalan sa May 14.