Ilang housing projects para sa Yolanda victims ipinatigil dahil sa substandard materials

By Den Macaranas April 21, 2018 - 05:31 PM

Inquirer file photo

Tuluyan na ring kinansela ng National Housing Authority (NHA) ang kontrata sa ilang mga kontratista na dapat ay matagal nang gumawa ng mga pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Bukod sa delayed ang pagpapatayo ay mahinang klase rin umano ang mga ginamit na materyales sa pagpapatayo ng mga pabahay ayon kay NHA Region 8 Director Rizaldy Mediavillo.

Kabilang sa mga kinanselang proyekto ay ang pagpapatayo ng ilang mga bahay sa Samar, Eastern Samar at lalawigan ng Leyte.

Idinagdag pa ni Mediavillo na isinailalim nila sa inspection ang nasabing mga bahay bago sila nagpasya na ibasura na ang mga kontrata dahil sa substandard na mga construction materials na ginamit ng mga kontratista.

Bigo rin umano ang mga ito na maitayo ang mga proyektong pabahay sa itinakdang panahon.

Bagaman dapat ay matagal na sanang naipatayo ang nasabing mga pabahay ay nangako naman ang mga opisyal ng NHA na hindi nila hahayaang mga mahinang klase ng material lamang ang gamitin sa nasabing mga proyekto.

TAGS: government housing, NHA, super typhoon, yolanda, government housing, NHA, super typhoon, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.