Pinuno ng LTFRB sa Bicol pumalag sa pagsibak sa kanya sa pwesto
Sinibak ng Land transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang regional director Bicol region.
Inalis sa pwesto si LTFRB Region 5 Director Jun Abrazaldo dahil umano sa katiwalian.
Umalma naman si Abrazaldo at sinabing pangha-harass ang pagsibak sa kanya dahil hindi ito dumaan sa due process.
Aniya, hindi man lang siya inabisuhan tungkol sa dismissal proceedings laban sa kanya.
Itinanggi naman ng sinibak na regional director na sangkot siya sa anumang katiwalian.
Iginiit naman ni LTFRB Chairman martin Delgra na may basehan ang pagsibak kay Abrazaldo.
Dagdag niya, si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.