4 cabinet members pinaiimbestigahan ng PACC dahil sa katiwalian
Inirekomenda ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaagad na imbestigasyon laban sa apat na cabinet secretaries.
Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang confidential report.
Laman umano nito ang pangalan ng mga cabinet members na sangkot sa katiwalian.
Nilinaw rin ni Belgica na kung ano lang ang lumabas sa kanilang imbestigasyon ay siya lamang ang laman ng nasabing ulat.
Pagtupad lamang ito sa utos sa kanila ng pangulo na walang sasantuhin sa kampanya laban sa katiwalian.
Gayunman ay tumanggi naman si Belgica na pangalanan ang nasabing mga miyembro ng gabinete ay ipauubaya na lamang umano nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pangulo pa rin ang magpapasya kung tatanggapin niya o hindi ang ulat ng PACC.
Nilinaw rin ng opisyal na hindi pahayag ng Malacañang ang anumang sabihin ng ulat ng PACC.
Magugunita na sinabi ni Roque na isang “undersecretary” ang nakatakdang sibakin ng pangulo sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.