31,000 aplikante sa PNP sasabak sa entrance exam bukas

Aabot sa 46, 576 na aplikante ang nakatakdang kumuha ng examinations sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa iba’t ibang testing centers sa bansa bukas, April 22.

Ayon kay NAPOLCOM Vice-Chairman and Executive Officer Atty. Rogelio Casurao, sa nasabing bilang ay umaabot sa 31,385 sa mga ito ay kukuha ng PNP entrance exam habang 15,191 ay para promotional test categories.

Sa kabuuang 2,977 sa 31,385 examinees sa PNP entrance test at 2,575 sa 15,191 police examinees para promotional tests ay kukuha ng exams sa National Capital Region (NCR) testing centers partikular na sa Makati High School, Pitogo High School, Benigno Aquino High School, Fort Bonifacio High School 1 and 2 at Tibagan High School, sa Makati City.

Habang ang ibang testing centers naman ay sa San Fernando (La Union), Tuguegarao, Angeles (Pampanga), Cabuyao, San Pablo, Calapan, Legazpi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Calbayog, Pagadian, Zamboanga, Cagayan de Oro, Davao, Koronadal, Baguio, Butuan, at Cotabato, at probinsya ng Romblon, Occidental Mindoro and Palawan.

Dagdag pa ni Casurao, ang examination sa Linggo ay para sa qualifying examination sa Police Officer 1 at promotional examinations para Police Officers 2 at 3; Senior Police Officer (para sa SPO1 hanggang SPO4); Police Inspector (para sa Inspector at Senior Inspector); at Police Superintendent (para sa Chief Inspector at Superintendent).

Read more...