Body cam para sa mga operasyon magagamit na ng PNP

Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pamamahagi ng unang batch ng body cameras na gagamitin para sa anti-drug operations ngayon ikalawang quarter ng taon.

Ayon sa bagong hepe ng PNP na si Director General Oscar Albayalde, nasa bidding process na ang body cameras.

Sa kanyang pagtaya, nasa P334 Million ang inilaang pondo para dito.

Dagdag ni Albayalde, may dumating na na body cameras na gagamitin para sa demonstration.

Una nang sinabi ni dating PNP Chief Ronald Dela Rosa na posibleng sa Hunyo dumating ang body cameras.

Sinabi ni Albayalde na sa pamamagitan ng mga body cameras ay maiiwasan ang kalokohan sa ilang police operations.

Maipapakita rin anya sa pamamagitan nito na ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho nang naaayon sa batas.

Read more...