Malacañang, muling binanatan ang European Union

By Rhommel Balasbas April 21, 2018 - 06:14 AM

INQUIRER File Photo

Muling sinopla ng Palasyo ng Malacañang ang European Union (EU) sa umano’y pakikialam nito sa ‘internal affairs’ ng Pilipinas at sa paulit-ulit na walang basehang akusasyon sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Sa isang press briefing sa Malacañang, inilarawan na ‘unfortunate’ ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang inilabas na resolusyon ng EU na nananawagang ihinto na ang extra-judicial killings (ejk) sa bansa sa ilalim ng drug war.

“We, of course, find it unfortunate that members of the European Parliament once again interfered with the affairs of the Philippine state, rehashing issues and baseless claims that have been explained adequately by the Philippine government in several official statements,” ani Roque.

Iginiit ni Roque na walang kinalaman ang adminitrasyon ni Pangulong Duterte sa umano’y sinasabing mga ejk.

“We reiterate that the Philippine administration — the government under the administration of President Rodrigo Roa Duterte — does not engage in so-called extrajudicial killings,” dagdag pa ni Roque.

Dahil dito, nanawagan ang palasyo sa EU na maging maingat sa paglalabas ng mga resolusyon at ikonsidera na ang EU at Pilipinas ay nakapaloob sa mga mekanismo para sa isang matalinong diskusyon.

“We thus call on the members of the European Parliament to exercise prudence in issuing resolutions. We understand a number of whom have close ties with the local political opposition who tried to distort realities that we have a working democracy, where people now enjoy peace and order,” giit ni Roque.

Sinabi pa ng Malacañang na bigo ang mga kritiko na patunayan na 12,000 ang namamatay sa giyera kontra droga.

Wala anyang mga kasong inihain ang mga biktima at wala ring mga ebidensyang magpapakita na may 12,000 nasawi sa kampanya ng administrasyon.

Tiniyak naman ni Roque ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagsunod sa due process at pananagutin ang mga alagad ng batas sa kanilang mga hindi makatarungang aksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.