PNP Chief Albayalde, tiniyak na magiging patas sa pagbibigay ng promotion

By Cyrille Cupino April 21, 2018 - 04:11 AM

Tiniyak ng bagong-upong PNP Chief Director General Oscar Albayalde na magiging patas siya sa pagbibigay ng promotion at pagta-transfer ng mga opisyal.

Ayon kay Albayalde, may oversight committee na nakatalagang pag-aralan ang mga aplikasyon para sa promotion at mga request for transfer.

Inamin ng bagong PNP Chief na normal para sa ilang mga opisyal, kabilang na ang kanyang mga ‘mistah’ sa PMA Sinagtala Class of 1986 na mag-request ng promotion, pero nilinaw nito na magiging pantay-pantay ang tingin niya sa lahat.

Paliwanag ni Albayalde, kung hindi kwalipikado ang isang opisyal para sa gusto niyang pwesto, hindi niya ito ibibigay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.