30 patay sa pagsabog sa Turkey

By Den Macaranas October 10, 2015 - 07:16 PM

AP_Turkey_bombing
AP Photo

Umakyat na sa tatlumpu ang bilang ng mga namatay samantalang 126 ang sugatan sa pinakabagong pambobomba sa bansang Turkey kanina.

Sa report ng Turkey Interior Ministry, nangyari ang pag-atake malapit sa main train station sa Ankara District na isang mataong lugar.

Naramdaman ang pagyanig maging sa mga high rise buildings malapit sa mismong ground zero.

Sa lakas ng bombing itinanim ay halos hindi na makilala ang karamihan sa mga biktima.

Sinabi ng Turkish authorities na malaki ang posibilidad na ang grupong ISIS ang nasa likod ng nasabing pag-atake sa hanay ng mga sibilyan.

Kamakailan kasi ay pinayagan ng Turkish government ang mga U.S Troops na naka-base sa Incirlik Air Base na maglunsad ng Air Strike sa mga kuta ng ISIS sa Southern Turkey.

Maingat din sa paglalabas ng impormasyon ang mga Military officials ng Turkey dahil hanggang ngayon ay hawak pa rin ng ISIS ang ilang Turkish nationals na matagal na nilang bihag sa Mosul City sa Iraq.

Dahil sa pangyayari , kaagad na nagpakalat ng dagdag na pwersa ng pulisya at military ang Turkish government para hindi na masundan pa ang nasabing terrorist attack.

TAGS: Bombing, ISIS, Turkey, U.S, Bombing, ISIS, Turkey, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.