Pacquiao iginiit na kaya pang lumaban kahit nagkakaaedad na

By Rhommel Balasbas April 21, 2018 - 03:28 AM

INQUIRER Photo

Hindi hadlang para sa pambansang kamao na si Manny Pacquiao ang edad upang patuloy na pagtagumpayan ang karera sa boxing.

Naghahanda ngayon si Pacquiao para sa kanyang laban sa Argentine na si Lucas Matthyse, 39 anyos para sa World Boxing Association (WBA) welterweight belt sa July 15 sa Kuala Lumpur.

Sa isang joint press conference kasama ang kanyang katunggali sinabi ni Pacquiao na ang edad ay hindi mahalaga at ito anya ay numero lamang.

Nakadepende anya ang pagtatagumpay sa boxing kung paano dinidisiplina ang sarili sa training at kung paano naghahanda ang isang boksingero.

Kasabay nito, sinabi rin ni Pacquiao na ang laban kay Matthysse ay hindi pa huli at may ilan pa siyang mga laban bago magretiro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.