500-kilong vintage bomb, pinasabog sa Germany

By Cyrille Cupino April 21, 2018 - 12:47 AM

AP Photo

Matagumpay na pinasabog ng mga otoridad ang 500 kilong vintage bomb sa Germany.

Matapos ang maikling pagsabog, agad na dineklara na ligtas na ang lugar.

Pinabalik rin kaagad ng mga otoridad sa kani-kanilang mga bahay ang ilang residente matapos silang pinalikas upang maiwasan ang aksidente.

Ang pinasabog na bomba na mula pa noong World War II ay nadiskubre ng ilang construction workers na nagta-trabaho malapit sa isang istasyon ng tren.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.