2x na surge price ng Grab, ibinalik ng LTFRB

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 07:38 PM

Ibinalik na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa “2x” o doble ang surge price ng ride-hailing platform na Grab.

Ang 2x na surge cap ng Grab ay ibinaba ng LTFRB sa 1.5x noong April 11 makaraang huminto sa operasyon ang Uber na naging dahilan para ang Grab na lang ang maging natatanging ride-hailing app na nagagamit ng mga pasahero.

Inaprubahan ng LTFRB ang hirit ng Grab na ibalik sa 2x ang kanilang surge cap ngayong may mga bago nang transport network companies (TNCs) na binigyan ng akreditasyon.

Kabilang dito ang Hype. HirNa at GoLag.

Samantala, matapos suspendihin ng LTFRB ang P2 per minute na charge ng Grab, agad tumalima ang kumpanya.

Alas 12:01 ng madaling araw ng Biyernes hindi na sila nagpatupad ng P2 per minute na singil sa kanilang biyahe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Grab, ltfrb, ride hailing app, surge cap, surge price, Grab, ltfrb, ride hailing app, surge cap, surge price

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.