GSIS naglabas ng notice to vacate vs Sofitel dahil sa hindi pagbabayad ng renta mula 2016

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 07:23 PM

Naglabas ng notice to vacate ang GSIS laban sa Philippine Plaza Holdings Inc., na operator ng Hotel Sofitel dahil sa halos dalawang taon na nitong pagkakautang sa renta sa kinatitirikang lupain.

Ayon kay GSIS President at Gen. Manager Jesus Clint Aranas, mula June 2016 ay hindi nakababayad ng renta ang Sofitel sa ginagamit nitong lupa na pag-aari ng GSIS.

Dalawang lote aniya na pag-aari ng GSIS ang hindi nababayaran ng Sofitel at umabot na sa P80 million ang back rentals nito.

Ang dalawang lote na tinutukoy ng GSIS ay ang Lot 19 at Lot 41 na ayon kay Aranas kung gagamitin nila sa iba o ipapaupa sa iba ay mas malaki pa ang kikitain ng ahensya.

Hindi aniya pwedeng gamitin ng libre ang nasabing mga lote dahil commercial ang operasyon ng Sofitel at kumikita sila.

Ani Aranas, finald demand na nila ito sa Philippine Plaza Holdings at kung mabibigo pa rin silang magbayad ng back rentals ay kailangan na nilang umalis sa lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: back rentals, GSIS, Philippine Plaza Holdings Inc, Sofitel Philippine Plaza, back rentals, GSIS, Philippine Plaza Holdings Inc, Sofitel Philippine Plaza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.