European Parliament binanatan ng Malakanyang sa umano’y panghihimasok sa internal affairs ng bansa

By Alvin Barcelona April 20, 2018 - 07:07 PM

Magkahalong pagkadismaya at kalungkutan ang naramdaman ng Malakanyang sa resolusyon ng European Parliament na nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas na agad itigil ang extra judicial killings na nakapatay na ng 12,000 katao na karamihan ay mahihirap.

Hiniling din ng European Parliament sa Pilipinas na palayain na si Sen. Leila de Lima na nakakulong ngayon dahil sa pagkakasangkot sa bilibid drug trade.

Itinuturing ni Presidential Spokesman Harry Roque ang resolusyon ng European Parliament na isa pang kaso ng pakikialam sa internal affairs ng Pilipinas.

Malinaw din aniya itong pag-uungkat sa mga luma at walang basehang mga usapin.

Kaugnay nito, hinamon ni Sec. Roque, European Parliament na maglabas ng ebidensya sa sinasabi nitong 12,000 napatay sa anti-drug war ng duterte administration.

Ipinamukha pa ni Sec. Roque na pinagtibay na ng Korte Suprema ang pag-aresto at pagkulong kay Sen. De Lima dahil sa kasong illegal drugs case.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: European Parliament, Harry Roque, Radyo Inquirer, War on drugs, European Parliament, Harry Roque, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.