Duterte tatakbong Pangulo

duterte2
Inquirer file photo

Kinumpirma ng political adviser ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tuloy ang pagtakbo ng aljalde bilang pangulo ng bansa sa 2016.

Ayon kay Lito Banayo, sa October 15 nakatakdang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy si Duterte.

Sa kasalukuyan ay dumadaan ang nasabing opisyal sa tinatawag na “soul searching” upang mas maging malinaw siya sa kanyang mga planong pulitikal.

Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi na siya magbibigay ng anumang statement bago ang nasabing petsa at bigla na lamang daw siyang lilitaw sa tanggapan ng Comelec kung siya ay nakapag-pasya na tumakbo bilang pangulo.

Maging ang kanyang pamilya ay tumangging magbigay ng komento hingil sa plano ng alkalde ng Davao City.

Ipinaliwanag naman ni Banayo na hanggang ngayon ay wala pang napipiling katandem si Duterte bagaman nakatuon lamming daw kina Sen. Bongbong Marcos at Alan Peter Cayetano ang kanyang mga opsyon.

Inihayag din ng adviser ni Duterte na may ilang  pangalan na ang kabilang sa Senatorial Slate ng Alkalde at kinabibilangan ito nina Sen. Serge Osmena, dating Sen. Ping Lacson, ACT-CIS Partylist Rep. Sammy Pagdilao, Manila Vice-mayor Isko Moreno, Leyte Rep. Martin Romualdez at dating Sen. Juan Miguel Zubiri.

 

Read more...