Malakanyang pinatatahimik si PACC Commissioner Belgica sa mga iniimbestigahang tiwaling opisyal ng gobyerno
Pinatatahimik ng Malacañang si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kaugnay sa mga iniimbestigahang opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian.
Ito ay matapos na isiwalat ni Belgica na may apat na miyembro ng gabinete ang pina-iimbestigahan dahil sa katiwalian at nanganganib na matanggal sa puwesto.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakakagulo lang ang inilalabas na pahayag ni Belgica dahil hindi naman ito otorisadong magsalita para kay Pangulong Duterte.
Nanindigan si Roque na ang trabaho lamang ng PACC ay magrekomenda ng mga iimbestigahang opisyal pero pasya na ni Pangulong Duterte kung susundin o hindi ang kanilang rekomendasyon.
Makakabuti aniya na makipag-ugnayan muna si Belgica sa kanyang ahensya kung mayroon itong ilalabas na pahayag para maiwasan ang kalituhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.