Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may P1.5 milyong halaga ng ecstasy sa Central Mail Exchange Office sa Pasay City.
Sinabi ni PDEA NCR Director Ismael Fajardo noong Abril 5 dumating ang package at nang idaan ito sa X-ray screening ay natuklasan na naglalaman ito ng organic substance.
Sumailalim ito sa pagsusuri ng drug sniffing dog at nakumpirma na naglalaman ito ng droga.
Agad na nakipag-ugnayan ang PDEA sa cargo forwarding company na nagdala ng package mula sa The Netherlands at nadiskubre na nakapangalan ito sa isang Monica Santos, 20 anyos.
Biyernes ng umaga nang maaresto si Santos sa Barangay Obrero sa Quezon City at dito natuklasan na ang package ay galing sa isang Samson Santos na nasa The Netherlands.
Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.