31 mangingisda na nakulong sa Indonesia, dumating na sa Davao City

DFA Photo

Nakabalik na ng bansa ang 31 mangingsda na nakulong sa Indonesia dahil sa ilegal na pangingisda doon.

Sinalubong sila ni Special Assistant to the President Christopher Go, Eastmincom chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal at iba pang military officials, at mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Economic and Development Authority sa Southern Mindanao, at lokal na pamahalaan ng Sarangani.

Ayon kay Major Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, ang 31 ay pawang tubing Sarangani province.

Matapos mapalaya ng Indonesian authorities ang 31 ay bumiyahe patungong Davao City sakay ng BRP Davao del Sur at noong April 13 sila nagsimulang maglayag.

Binigyan naman ng cash assistance ang mga mangingisda.

Magbibigay din ng dagdag na tulong pa ang DSWD sa kanila at kanilang pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...