Abductors ng isang negosyante sa Dipolog kilala na ayon sa PNP

By Den Macaranas October 10, 2015 - 05:36 PM

Rolando del Torchio
FB Photo

Kilala na ang mga otoridad ang grupong nasa likod ng pagdukot sa isang negosyante sa Dipolog City noong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Police SSupt. Cleve Taboso, operations chief ng Police Regional Office 9 na isang local kidnapping group ang nasa likod ng pagdukot sa biktimang si Rolando Del Torchio na siyang may-ari ng “Ur Choice Pizza” na matatagpuan sa nasabing lungsod.

Nakilala ang lider ng grupo na si Commander Red Eye na sinasabing naaresto na pero nakapag-piyansa noong 2014 dahil sa isa pang kaso ng abduction sa nasabi ring lugar.

Nakilala ang nasabing mga suspect base sa mga kuha ng CCTV sa lugar kung saan ay nakilala rin ang apat na kaanak ng nasabing pinuno ng grupo.

Magugunitang si Del Torchio na dating Pari ay dinukot sa mismong loob ng kanyang Pizza Store ng mga armadong kalalakihan noong Huwabes ng gabi.

Base sa impormasyon na hawak ng PNP, hindi totoong hawak ng grupong Abu Sayyaf ang nasabing biktima at ito raw ay nananatili pa rin sa Zamboanga Peninsula at inililipat lamang sa ibat-ibang mga lugar para iligaw ang mga tauhan ng pulisya at militar.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikipag-ugnayan sa mga kaanak ni Del Torchio ang kanyang mga abductors at wala pa ring ipinararating na demands ang mga ito ayon kay Taboso.

TAGS: Abduction, Del Torchio, Dipolog City, PNP, Abduction, Del Torchio, Dipolog City, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.