Restoration ng seawall sa Manila Bay, patapos na ayon sa DPWH

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 04:27 PM

Malapit nang matapos ang restoration sa 937-lineal meter seawall sa kahabaan ng Manila Bay ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH National Capital Region Director Melvin Navarro nakumpleto na ang 6 sa 7 phase ng proyekto napinaglaanan ng P296.5 million na budget.

Kabilang sa proyekto ang paglalagay ng protective seawall na amyroong steel bars na mag-aabsorb at makababawas sa pwersa ng alon.

Kasama din ang paglalagay ng storm drains at armor rocks.

Sa sandaling matapos na ay makatutulong ang seawall sa posiblengg pagkakaroon ng storm surges kapag may bagyo.

Ang pathways sa kahabaan ng seawall ay aayusin din para sa mga turista.

Pinag-aaralan naman ng DPWH kung maglalagay sila ng joggers’ lane sa kahabaan ng seawall.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DPWH, Manila Bay, Radyo Inquirer, seawall, DPWH, Manila Bay, Radyo Inquirer, seawall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.