Pangulong Duterte dadalo sa ASEAN Leaders’ Summit sa Singapore sa Apr. 27 at 28
Bibiyahe patungong Singapore si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.
Ito ay para dumalo sa dalawang araw na ASEAN Leaders’ Summit.
Batay sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Asst. Sec. Helen Dela Vega na ang ASEAN Leaders’ Summit ay magaganap sa April 27 hanggang 28.
Ang Singapore ang magsisilbing chairman ng summit ngayong taon at inaasahang sesentro ito sa pagpapalakas ng regional peace and security.
“The president will be joining other leaders of ASEAN member states in continuing the work of advancing community building and in living up to the shared commitment of maintaining and promoting the peace, security and stability of the region,” ayon kay Dela Vega.
Tema ng summit ngayong taon ang “Resilient and Innovative ASEAN” kung saan kabilang sa mga tatalakayin ng ng mga dadalong leader ang code of conduct sa South China Sea.
Samantala, nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng one-on-one meeting kay Singapore Prime Minister Lee Hseing Long para ipaabot ng ang pagsuporta ng bansa sa chairmanship ng Singapore sa Asean Summit.
Maliban sa Singapore, inaasikaso din ng DFA na magkaroon ng hiwalay na pulong ang pangulo sa dalawang ASEA leaders at ang magkaroon ng tsansa na makapulong niya ang Filipino community doon.
Sa datos ng DFA, aabot sa 180,000 ang mga Pinoy ang nagtatrabaho at nakatira sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.