Mga Pinoy pwede nang bumisita sa Hainan, China nang walang visa

By Rohanisa Abbas April 20, 2018 - 10:57 AM

Hainan China

Pwede nang bumisita nang walang visa ang mga Filipino sa isla ng Hainan, kung saan matatagpuan ang tinaguriang “Hawaii of China.”

Ayon sa Ministry of Public Security of China at State Immigration Administration, simula May 1 epektibo ang visa-free access sa Hainan para sa mga Filipino na hindi lalagpas ng 30 araw sa isla.

Maliban sa Pilipinas, binigyan din ng 30-araw na visa-free access ang 58 pang bansa.

Kinakailangan lamang na mag-book sa travel agencies na aprubado ng China National Tourism Administration.

Hakbang ito ng China para isulong ang turismo sa Hainan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: China, Hainan, visa-free, China, Hainan, visa-free

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.