Hazard map ng Phivolcs maari nang ma-download online

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 10:08 AM

Mas pinadali ng Phivolcs ang access sa hazard maps kung saan makikita ang mga lugar na delikado sa iba’t ibang kalamidad.

Ayon sa Phivolcs, mada-download na online ang hazard map upang mas maging madali sa publiko na makita ang mga lugar na mayroong aktibong fault.

Laman din nito ang hazard maps para sa tsunami, volcanic hazards, lahar hazardz, earthquake-induced landslide at iba pa.

Maaring ma-download ang mapa sa gisweb.phivolcs.dost.gov.ph/hazardmap.

Sa sandaling puntahan ang link, lalabas ang mga rehiyon na pagpipiliian ng gustong maka-access at makapag-download ng hazard map.

Ayon sa Phivolcs, malaking bagay ang hazard map para gamiting basehan sa disaster awareness, prevention, mitigation, preparedness at response plans ng lokal na pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: earthquake, hazard map, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tsunami, volcanic, earthquake, hazard map, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tsunami, volcanic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.