Number 1 sa drug watchlist ng Malolos City, patay makaraang manlaban sa buy-bust

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 08:29 AM

Police banner

Patay makaraang umano’y manlaban sa buy-bust operation ang itinuturing na number one sa drugs watchlist sa Malolos City, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Antonio Yamson, 59-anyos na nakuhanan ng isang kalibre .38 na baril at 45 plastic sachet ng hinihinalang shabu at marijuana.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos City police, nanlaban umano si Yamson sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis makaraang matunugan na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Sinabi ni Bruno na itinuturing na “Kingpin” si Yamson sa palengke sa Malolos City at protektor din ng drug personalities sa lugar.

Maliban sa pagkakasangkot sa illegal na droga, may mga kaso rin ang suspek na robbery-holdup, murder at homicide.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan Police, buy bust operation, malolos city bulacan, Radyo Inquirer, War on drugs, Bulacan Police, buy bust operation, malolos city bulacan, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.