Filing ng COC para sa Barangay at SK elections, hanggang ngayong araw na lang

By Rhommel Balasbas April 20, 2018 - 08:13 AM

COC Filing sa Comelec – Manila | Photo from Comelec

Mayroon na lamang hanggang ngayong araw para maghain ng Certificates of Candidacy (COC) ang mga nagnanais tumakbo sa Barangay at SK elections.

Hanggang alas-singko na lamang mamayang hapon maaring maghain ng COC ang mga kakandidato.

Matatandaang iginiit ng COMELEC noong Miyerkules na hindi na palalawigin pa ang filing ng COC.

Samantala, ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahan nilang magiging mas abala na ang COMELEC sa mga paparating na araw.

Ito anya ay bunsod ng pagtatapos ng paghahain ng COC ay agad dadaan ang mga naturang dokumento sa ebalwasyon sa Comelec central office.

Kailangan anya itong matapos sa loob ng dalawang linggo upang mabuo na ang opisyal na listahan ng mga kandidato.

Agad itong susundan ng campaign period na magsisismula na sa May 4 hanggang May 12 bago ang halalan sa May 14.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: COC Filing, comelec, deadline, Radyo Inquirer, COC Filing, comelec, deadline, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.