Ayon sa Japan Meteorological Agency o JMA, nagbuga ng abo na ang taas ay 400 metro ang Mount Lo at may posibilidad pang magpakita ng aktibidad sa susunod na mga oras at araw.
Ang Mt. Lo ay bahagi ng Mount Kirishima group of volcanoes sa Hokkaido Japan at ito ang unang pagkakataon na pumutok ang bulkan mula noong taong 1768.
Pinayuhan na ng JMA ang mga residente na iwasan ang lugar at huwag lumapit sa palibot ng bulkan.
Maari umanong umabot sa 3-kilometers ang layo ng mga magbabagsakang bato mula sa bulkan.
Ayon naman sa pamahalaan ng Japan, walang naitalang sugatan o napinsala sa pagbubuga ng abo ng bulkan.