Weight testing sa mga Dalian Trains, isinagawa ng DOTr

By Rhommel Balasbas April 20, 2018 - 06:59 AM

DOTr Photo

Nagsagawa ng weight testing sa kontrobersyal na Dalian trains ang Department of Transportation (DOTr).

Sa isang press briefing, sinabi ng kagawaran na ang test ay bahagi ng system audit sa light rail vehicles (LRVs) na ito na nauna nang napaulat na hindi compatible sa riles ng MRT-3.

Inilagay ang sandbags upang magdulot ng mas mabigat na timbang ng tulad ng sa isang fully loaded na bagon upang malaman kung ligtas ba itong gamitin sa riles ng MRT.

Ayon sa DOTr, ang resulta ng weight testing ay ilalabas sa loob ng dalawang linggo.

Kabilang sa proseso ng isinagawang pagsusuri ay ang installation ng weighing equipment, pagtimbang sa tren ng walang laman, pagtimbang sa tren na ito ay fully loaded, calibration, data analysis at iba pa.

Ang Dalian trains na kasalukuyang hindi pa nagagamit dahil sa umano’y ‘incompatibility’ sa sistema ng MRT-3 ay nabili sa ilalim pa ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dalian Trains, Dotr Photo, MRT, Radyo Inquirer, Dalian Trains, Dotr Photo, MRT, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.