Mindanao at Eastern Visayas apektado pa rin ng ITCZ – PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 06:45 AM

Intertropical Convergence Zone o ITCZ pa rin ang umiiral ngayong araw sa sa Mindanao.

Maliban sa Mindanao, apektado rin ng ITZC ang Eastern Visayas.

Ang nasabing mga lugar ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, ang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan na mararanasan sa Midnanao at Eastern Visayas ay maaring magdulot ng pagbaha at landslides.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay paaektado ng easterlies at makararanas lang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: eastern visayas, ITCZ, Mindanao, pagasa, weather, eastern visayas, ITCZ, Mindanao, pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.