Mahigit 600,000 naghain ng COC para sa Barangay at SK Elections

By Erwin Aguilon April 20, 2018 - 04:58 AM

Umakyat na sa kabuuang 643,000 ang naghain ng Certificate of Candidacy para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa datos ng Commission on Elections, sa nasabing bilang mahigit 462,000 ang mga naghain ng kandidatura para sa barangay level.

Mahigit 57,000 sa nasabing bilang ang nais tumakbo para sa posisyon ng barangay chairman, habang mahigit 284,000 naman ang para sa posiyon ng barangay kagawad.

Mahigit 39,000 naman ang naghain ng COC para maging Sangguniang Kabataan chairman at 142,000 para sa pagiging kagawad.

Sa schedule ng Comelec, tatanggap na lamang ito ng mga COC hanggang ngayong araw.

Isasagawa naman ang pangangampanya mula sa May 4 hanggang sa May 12.

TAGS: 2018 election, Barangay elections, COC, comelec, Sangguniang Kabataan Elections, 2018 election, Barangay elections, COC, comelec, Sangguniang Kabataan Elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.